Magiging malamig pa rin ang gabi at madaling araw sa malaking bahagi ng bansa.
Ito ay dahil patuloy ang pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – magdadala rin ng mahihinang ulan ang amihan sa silangang bahagi ng bansa.
Maulap at may panandaliang ulan sa Luzon kasama na ang Metro Manila.
Ang Visayas at Mindanao ay may kalat-kalat na mahihinang ulan.
Ang baybayin ng hilaga at silangang bahagi ng bansa ay nananatiling katamtaman hanggang sa maalon.
Facebook Comments