Posibleng maging ganap nang bagyo sa loob ng bente kwatro oras ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng bansa.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 580 kilometers silangan ng Tuguegarao, Cagayan at tatawaging “Dodong” kapag naging bagyo.
Ang malalakas na pag-ulan na nararanasan natin tuwing gabi hanggang madaling araw ay dahil sa epekto ng southwest monsoon o habagat na nasa western sections ng bansa.
Pinapalakas pa ng LPA ang habagat kaya asahan na ang mga malalakas na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa at buong Visayas.
Samantala, dahil sa malakas na pag-ulan, kanselado na ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Marilao, Bulacan.
Sunrise – 5:29AM
Sunset – 6:28PM