Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Pinalalakas kasi ng isang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang hanging habagat.

Asahan ang thunderstorms sa Zambales at Bataan.


Mag-romantic getaway sa Laiya Beach sa Batangas dahil bahagyang maaliwalas ang panahon sa umaga sa natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.

Mag-bonding kasama ang mga tarsier sa sanktuwaryo nito sa Bohol dahil maganda ang panahon sa Central at Western Visayas.

Pasyalan ang Monkayo, Compostela Valley habang ipinagdiriwang ang Kapistahan ng San Ignacio de Loyola.

Samantala, may isang Low Pressure Area (LPA) ang nasa Pacific Ocean at ang buntot nito ay nakakaapekto sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Facebook Comments