Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magiging maulan ang pagdiriwang ng Pangapog Festival ngayong araw sa Samal Island sa Davao.

Ito ay dahil sa trough ng pressure area na huling namataan ng PAGASA sa layong 460 kilometers east ng Virac, Catanduanes.

Kaya naman sa mga nagbabalik makisaya sa nasabing festival, huwag ninyong kalimutan na magdala ng payong.


Pauulanin kasi ng trough ng LPA ang buong Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga Region at Davao Region.

Bukod rito, patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang isang tropical storm na nasa labas ng bansa na may international name na Wipha ay namataan sa extreme northern Luzon.

Hinahatak ng bagyo ang habagat kaya naaapektuhan ng monsoon rains ang kanlurang bahagi ng Luzon na magpapaulan sa Pangasinan, Zambales at Bataan.

Facebook Comments