Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magiging maulan ngayong araw ang western sections ng northern at central Luzon dahil sa epekto ng umiiral na habagat.

Makakaranas ng mga malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales at Bataan.

Bunsod nito, suspendido na ngayong araw ang pasok sa mga sumusunod na lugar:


  • Itogon, Benguet – All Levels
  • Kapangan, Benguet – All Levels
  • Kibungan, Benguet – Pre-School to High School
  • Tublay, Benguet – Pre-School to Elementary
  • Dagupan City, Pangasinan – Pre-School to Senior High School

Samantala, kung maulan sa Luzon, magiging maganda naman ang panahon sa Visayas at Mindanao.

Magandang saksihan ang makulay na ethics parade ng Sirong Festival ngayong araw sa Cantilan, Surigao del Sur.

Sunrise: 5:42 AM

Sunset: 6:19 PM

Facebook Comments