‘Araw ng Quirino’, Puspusan ang Paghahanda sa Nalalapit na Selebrasyon!

*Cauayan City, Isabela- *Puspusan ang paghahanda ngayon ng Provincial Government ng Quirino kaugnay sa mahabang selebrasyon ng ‘Araw ng Quirino’.

Ayon kay Quirino Governor Dax Cua, isang prestihiyosong selebrasyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng wake boarding competition kung saan ay magtatanghal din ng exhibition ang mga beterano na posibleng talagang aabangan ng mga Quiriñians at mga turista.

Ang nasabing kompetisyon ay bukas sa lahat sa bawat kategorya at may mga nakalaang papremyo sa naturang kompetisyon.


Maliban sa wake boarding ay magkakaroon ng basketball tournament at ilang aktibidadis gaya ng medical mission at parada na lalahukan ng bawat munisipalidad kabilang ang ahensya ng pamahalaan at supresang konsyerto ng ilang celebrities.

Sinabi pa ni Gov. Cua, bagamat naantala ang paghahanda ay sinisiguro nila na bago ang mismong araw ng selebrasyon ay plantsado na ang lahat ng aktibidadis at programa.

Magsisimula ang Araw ng Quirino sa Septyembre 6 hanggang 10, 2019 na inaasahang dadagsain ng mga lokal at mga turista dahil sa kakaibang selebrasyon.

Facebook Comments