Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

114

Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA.

Ang isang LPA ay nasa labas pa ng bansa at nasa layong 2,000 kilometers east ng Bicol.


Bagaman maliit ang tyansa na maging isang ganap na bagyo at pumasok sa bansa, ang trough ng LPA ay maaring magpaulan sa silangang bahagi ng bansa.

Ang isa pang LPA ay nasa hilagang bahagi ng bansa ay maliit din ang tyansa na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA.

Kaya asahan na magiging maulan ang selebrasyon ngayon araw ng Gigantes Festival sa Lucban, Quezon.

Bukod sa dalawang LPA, patuloy din na magpapa-ulan ang habagat na western sections ng northern at central Luzon.

Sunrise – 5:42 am

Sunset – 6:17 pm

Facebook Comments

From Advertisers