PhilHealth officials na sangkot sa pekeng claims, tiyak na makukulong

96

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Bong Go na makukulong ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa pagnanakaw ng bilyun-bilyong pisong pondo ng ahensiya sa pamamagitan ng pekeng claims.

Tugon ito ni Go sa mga patutsada ng ilang oposisyon senators na hindi kayang parusahan ng adminstrasyong Duterte ang mga corrupt PhilHealth officials.


Giit ni Senator Go, na siyang Chairman ng Committee on Health, walang puwang ang korapsyon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Go na galit ang Pangulo sa mga taong corrupt  kaya hindi makakaligtas ang mga ito sa kamay ng batas.

Una rito ay inamin ng mga dating opisyal ng PhilHealth na may “mafia” sa loob ng kanilang tanggapan.

Kamakailan ay lumabas din sa pagdinig ng Senado na matagal ng ginagawang ‘gatasan’ ng mga tiwaling healthcare facilities at mga korap na opisyal ng PhilHealth ang share ng bawat miyembro sa ahensiya.

Facebook Comments

From Advertisers