Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

19

Habagat pa rin ang makakaapekto sa kanlurang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon.

Dahil dito, makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Batanes at Babuyan Group of Islands.


Makakaranas naman ng maaliwalas na panahon na may bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

May posibilidad pa rin ng isolated rainshowers sa hapon at gabi sa mga nasabing lugar dahil sa localized thunderstorm.

Samantala, magiging maganda naman ang panahon para sa mga makikisaya sa Buyogan Festival sa Abuyog, Leyte.

Makakaranas kasi ng magandang panahon ang Visayas at Mindanao ngayong araw.

Facebook Comments

From Advertisers