Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Nakakaapekto na sa silangang bahagi ng Luzon ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).

Ito ay namataan sa layong 110 kilometers silangan ng Baler, Aurora.

Ayon sa PAGASA, inaasahang tatama ito ng lupa sa northern Luzon at malulusaw.


Mamangha sa mala-‘hagdan’ na rock formation ng Kaparkan Falls sa Tineg, Abra pero may kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Bicol Region.

Akyatin ang luntiang gubat ng Mount Natib sa Bataan dahil maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon maliban sa mga pag-ulan sa hapon o gabi.

Mag-chill ngayong weekend sa salagdoong beach sa siquijor dahil maaliwalas ang panahon sa kabisayaan.

Puntahan ang south cotabato gamit ang kariton habang ipinagdiriwang ang kariton festival kasabay maulap na panahon na may tiyansa ng ulan sa hapon o gabi.

Facebook Comments