Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Papalapit sa border ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon na may international name ‘Hagibis.’

Huli itong namataan sa layong 2,020 kilometers silangan ng northern Luzon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 200 kilometers per hour at pagbugsong nasa 245 kph.


Kumikilos ito hilangang kanluran sa bilis na 20 kph.

Ayon sa PAGASA, wala itong direktang epekto sa bansa.

Sa ngayon, ang northeasterly surface windflow o unang bugso ng hanging amihan ang nakakaapekto sa Luzon.

Huwag maging ‘ampalaya’ o bitter at puntahan na ang Palawan na ipinagdiriwang ang Malampaya Festival habang maganda ang panahon sa buong Luzon.

Mag-paddle boat sa Sugba Lagoon sa Northern Siargao dahil maaliwalas ang panahon sa Mindanao at sa Visayas maliban sa mga ulan sa hapon o gabi na hindi magtatagal.

Facebook Comments