Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na umiiral sa bansa ang northeasterly surface windflow o hanging nagmumula sa hilagang silangan.

Kaya asahan ang pagbaba ng temperatura lalo na sa dulong hilagang Luzon.

Mananatili naman ang maaliwalas na panahon sa Luzon kasama ang Metro Manila.


Maganda rin ang panahon sa Kabisayaan maliban sa panandaliang ulan dulot ng localized thunderstorms.

Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao.

Nakataas ang gale warning o mapanganib sa mga baybayin ng Batanes, Calayab, Babuyan, Cagayan, northern coast ng Ilocos Norte, Aurora at Isabela.

Facebook Comments