Magdala pa rin ng payong sa mga magsisimba sa Baclaran ngayong araw.
Piliin mong makipiyesta sa Camarines Sur para sa Pinili Festival habang umiiral ang northeasterly surface windflow sa Northern Luzon at maaliwalas naman sa natitirang bahagi ng Luzon na may tiyansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Magsimba sa Lazi Church sa Siquijor habang maganda rin ang panahon sa Visayas.
Pasyalan ang Buenavista Island sa Davao del Norte pero may mga pag-ulan sa buong Mindanao dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ).
Samantala, may binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa 1,090 kilometers hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Wala pa itong direktang epekto sa bansa pero may posibilidad na maging bagyo.
Facebook Comments