Walang halos kaulapang nakikita ang PAGASA halos buong bansa ngayong araw.
Kaya maki-pista na sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro para sa kanilang Apo Iraya Festival dahil mananatili ang magandang panahon sa buong Luzon pero asahang magiging maalinsangan sa tanghali.
Subukan ang masarap na durian ng Davao City habang maaliwalas ang panahon sa umaga paro asahan ang ulan sa hapon at gabi dulot ng localized thunderstorms.
Ligtas pa ring makakapaglayag ang mga may maliliit na sasakyang pandagat sa alinmang baybayin ng bansa.
Facebook Comments