Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Nangingilabot na umalis sa bansa ang Low Pressure Area (LPA) na ilang araw sa Kabisayaan at Mindanao.

Huling namataan ang LPA na ganap na isa nang katakot-takot na tropical storm na nasa 895 kilometers kanluran ng Katimugang Luzon at wala itong direktang epekto sa bansa.

Bumusina at magpasintabi sa mga kaluluwang umaaligid sa Balete Drive sa Quezon City habang may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila at Katimugang Luzon.


Magpalipas ng Undas at alamin ang mga kababalaghang bumabalot sa Teachers Camp sa Baguio habang malamig ang panahon sa Northern Luzon dulot ng hanging Amihan.

Mangilabot habang nasa loob ng Balay Negrense sa Negros Occidental kasabay na maaliwalas na panahon sa Visayas.

Titindig ang balahibo mo habang dumadaan sa Palm Drive sa Davao City  habang may localized thunderstorms sa Mindanao.

Facebook Comments