Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Tatlong weather system ang nakakaapekto ngayon sa bansa at inaasahang magdala ang mga ito ng pag-ulan.

Una, apektado ng trough ng isang Low Pressure Area (LPA) ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite at Batangas.

Maging ang Mindoro provinces kung saan sinusulit ng mga nagbakasyon ang kanilang island hopping sa Tambaron Island ay makakaranas din ng maulang panahon.


Ganitong panahon din ang mararanasan sa Caraga at Davao Region dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Bunsod nito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao dahil sa posibleng pagguho ng lupa.

Masarap naman uminom ng mainit na tsokolate habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin ngayong umaga dulot ng hanging amihan dyan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Naki-ayon naman ang magandang panahon sa Visayas sa selebrasyon ng Pintaflores Festival sa San Carlos City sa Negros Occidental.

Facebook Comments