Mga nag-uwian sa probinsya nitong Undas, balik Metro Manila na

Balik Metro Manila na ang mga bakayunistang nagsi-uwian sa kani-kanilang probinsya nitong Undas.

Ayon kay Skyway Operations and Maintenance Corporation President Manuel Bonoan – alas tres pa lang kaninang madaling araw ay bumuhos na ang mga sasakyan papasok ng Maynila sa South Luzon Expressway (SLEX).

Tumukod na aniya ang traffic mula sa bahagi ng San Pedro, Laguna hanggang Sucat kaya nagpatupad na sila ng mga counter flow.


Una rito, kahapon pa lang ay ganito na rin ang sitwasyon sa North Luzon Expressway (NLEX) kung saan umabot na sa 320,000 motorista ang bumiyahe pabalik ng Metro Manila.

Habang umabot naman na sa 83,180 ang bilang ng mga outbound passenger sa mga pantalan sa buong bansa simula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 6:00 kagabi.

Inaasahang dadagsa ang mas maraming pasahero pabalik ng Metro Manila hanggang ngayong umaga dahil sa pagsisimula ng pasok ngayong araw.

Facebook Comments