Patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) o dating bagyong “Betty” sa border ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1,320 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.
Wala na itong direktang epekto sa bansa at malulusaw din ito sa loob ng 24-oras.
Sa ngayon ang northeast monsoon o hanging amihan ang nakakaapekto sa bansa.
Bukod sa malamig na panahon sa gabi at madaling araw ay magdadala ito ng mga mahihinang ulan sa silangang bahagi ng bansa.
Walang nakataas na gale warning kaya ligtas na makakapaglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Facebook Comments