Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Namnamin ang linamnam ng kakaning puto-maya habang nagalakad-lakad sa Iguig Calvary Hills sa Cagayan, pero huwag kalimutang magdala ng payong.

Makakaranas pa rin kasi ng kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang Batanes, Cagayan, Apayao at ang Cordillera Administrative Region dahil sa tail end of a cold front.

Pwede rin kayong makisaya sa taunang Empanada Festival ng Ilocos habang nilalantakan ang kanilang orange color batac empanadas.


Ayon sa PAGASA, amihan ang umiiral ngayon sa Ilocos Region.

Magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa pero posible pa rin ang pag-ulan sa gabi dulot ng localized thunderstorm.

Facebook Comments