Patuloy na umiiral sa bansa ang tail-end of cold front.
Nakakaapekto ito sa silangang bahagi ng Luzon.
Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat at pagkulog sa Cagayan Valley kasama ang Babuyan Group of Islands, maging sa Apayao at Isabela.
Sa Ilocos, Cordillera at Aurora Province ay maulap ang kalangitan dulot ng hanging amihan.
Ang natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila ay mananatiling maaliwalas ang panahon.
Sa Visayas, maganda ang panahon maliban sa mga isolated thunderstorms.
Sa Mindanao, maaliwalas din ang panahon maliban sa mga kalat-kalat na pag-ulan.
Samantala, nakataas ang gale warning sa mga sumusunod na baybayin:
- Batanes
- Cagayan
- Babuyan Islands
- Isabela
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Zambales
- Bataan
- Quezon kasama ang Polilio Islands
- Camarines Norte
- Northern at Eastern Coast ng Camarines Sur
- Catanduanes
Sunrise: 6:08 ng umaga
Sunset: 5:26 ng hapon
Facebook Comments