Pinoy surfer, pinuri matapos sagipin ang Indonesian surfer

260

Umani ng paghanga ang isang Filipino surfer na lumalaban sa men’s longboard event sa 2019 SEA Games matapos ang ipinakita nitong kabayanihan.

Naglalaban para sa gintong medalya ang pambato ng Pilipinas sa surfing na si Roger Casugay at ang katunggali nitong Indonesian na si Arip Nurhidayat.


Sa gitna ng kompetisyon, tinangay ng alon ang Indonesian surfer.

Sinubukan ng rescue team na iligtas ang Indonesian pero hindi nila kinaya ang alon.

Itinigil ni Casugay ang laro at sinuong ang malalaking alon hanggang sa masagip ang kapwa surfer.

Nakabalik ang dalawa sa baybayin habang parehong nakatayo sa iisang surfboard.

Pinuri ng mga netizens si Casugay at sinabing nararapat lamang na igawad sa kanya ang lahat ng ginto sa mundo.

Facebook Comments

From Advertisers