Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magiging mainit at maalinsangan sa halos buong bansa ngayong araw.

Nakakaapekto sa Visayas at Mindanao ang easterlies o hangin galing sa Pacific Ocean habang high pressure area (LPA) naman sa Luzon.

Kaya asahan ang maaliwalas na panahon sa Luzon kasama ang Metro Manila na may mababang tiyansa ng ulan.


Sa Visayas at Mindanao, maganda rin ang panahon maliban sa mga isolated rainshowers at thunderstorms sa silangang bahagi.

Walang nakataas na gale warning kaya ligtas na makakapalaot sa alinmang baybayin ng bansa.

Facebook Comments