Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy pa ring nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon ang hanging amihan.

Dahil sa pag-iral ng amihan, nakakaranas ng mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Bulacan, Aurora, Nueva Ecija, Mindoro, Marinduque at Romblon.

Mananatiling maaliwalas ang panahon sa buong Kabisayaan maliban sa localized thunderstorms sa dakong hapon o gabi.


Magiging maganda rin ang panahon sa buong Mindanao pero may isolated rainshowers at thunderstorms pagdating ng hapon o gabi.

Nakataas ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Isabela, Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur.

Facebook Comments