Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Nakakaapekto pa rin sa Luzon ang northeast monsoon o hanging amihan.

Kaya hindi gaano mainit ang panahon ang aasahan sa malaking bahagi ng rehiyon subalit may panandaliang mahihinang ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Mainit at maalinsangang panahon ang asahan sa Visayas at Mindanao dahil sa easterlies subalit may isolated rainshowers at thunderstorms sa mga lalawigan nasa silangang bahagi.


Ang Metro Manila ay magiging maaraw kaya iwasang magbabad sa ilalim ng araw lalo na sa tanghali at hapon.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay 24-34°C.

Sa Cebu ay 23-31°C at sa Davao ay 21-30°C.

Walang nakataas na gale warning.

Facebook Comments