Patuloy na nakakaapekto ang northeast moonsoon o hanging amihan sa Luzon.
Dahil dito, asahan na ang pulo-pulong pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Nakakaapekto naman ang tail end of cold front na magdadala ng mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan maging sa Visayas.
Maaliwalas na panahon naman ang iiral sa Mindanao pero may posibilidad pa rin ng isolated thunderstorm.
Nakataas pa rin ang gale warning sa mga karagatan sa silangang bahagi ng gitnang katimugang Luzon, Visayas at sa kagaratan sa paligid ng Surigao Provinces maging sa Dinagat Island.
Sunrise: 6:22 AM
Sunset: 5:40 PM
Facebook Comments