Ngayong unang araw ng Abril, dalawang weather system ang nakakaapekto sa bansa.
Ito ay ang frontal system na nakakaapekto sa hilagang Luzon at magdadala ng mahihinang pag-ulan sa bahagi ng Cordillera Administrative Region, Batanes at Cagayan.
Mainit at maalinsangang panahon naman ang asahan sa halos buong bansa kasama na ang Metro Manila dahil sa epekto ng easterlies na nagmumula sa dagat pasipiko.
Bunsod nito, huwag ninyong kalimutan mga ka-Radyoman ang inyong mga pananggalang sa init ng araw.
Ang temperatura ngayong araw ay nasa pagitan ng 23 hanggang 33 degree celsius.
Facebook Comments