Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na umiiral sa bansa ang tail end ng cold front at nakakaapekto sa Northern Luzon.

Dahil dito, inaasahan na magiging maulap na may kalat – kalat na mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Dito naman sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon ay patuloy ang mainit at medyo maalinsangang panahon dahil sa easterlies.


Mainit at maalinsangang panahon din ang mararanasan sa buong Kabisayaan habang sa Mindanao ay mga mahinang pag-ulan sa Davao Region.

Ang antas ng temperatura ngayong araw ay nasa 24 hanggang 33 degree Celsius.

Facebook Comments