Mainit na panahon pa rin ang mararanasan ngayong araw sa halos buong bansa.
Kasunod ng pag-iral ng easterlies o yung mainit na hangin na galing ng dagat pasipiko.
Sa kabila nito, may mga isolated rainshowers at thunderstorms na mararanasan sa ilang lugar sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Habang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng mga localized thunderstorms partikular sa hapon o gabi.
Ang temperatura ngayong araw sa Metro Manila ay nasa 25-35 degrees Celsius habang nasa 25 hanggang 32 degrees Celsius ang init sa mararanasan sa Metro Cebu at Metro Davao.
Kaugnay nito, nagpaalala ang PAGASA sa publiko hinggil sa heat index o yung init na nararamdaman ng katawan ng isang tao.
Ito ay matapos na maitala kahapon ang mula 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index sa 13 lugar na itinuturing na nasa dangerous level.
Pinakamataas ang heat index kahapon sa Calapan, Oriental Mindoro sa 46.8 degrees Celsius na sinundan ng Infanta, Quezon sa 43.5 degrees Celsius at Ambulong, Batangas sa 43.2 degrees Celsius.
Ang mga residente sa mga lugar na nasa dangerous level ng heat index ay nahaharap sa panganib ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.