Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Mananatili ang mainit at maalinsangang panahon.

Umiiral pa rin ang easterlies sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa taya ng DOST-PAGASA, ang Batanes at Babuyan Group of Islands ay makakaranas ng mahihinang ulan dahil sa frontal system.


Ang natitirang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ay maulap na may tiyansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.

Sa Metro Manila mainit sa tanghali at posibleng umulan naman sa hapon o gabi.

Inaasahang papalo sa 38°C ang heat index sa Kamaynilaan at Laoag ngayong araw habang 37°C sa Tuguegarao.

Samantala, naitala sa San Jose City, Occidental Mindoro ang pinakamataas na heat index kahapon na nasa 45.3°C na itinuturing na “dangerous level”.

Facebook Comments