Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na mararanasan ang malamig na panahon sa umaga.

Umiiral pa rin kasi ang northeast monsoon o hanging amihan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – mananatili ang magandang panahon sa Luzon kasama na ang Metro Manila maliban na lamang sa mga mahihinang ulan na hindi magtatagal.


Maganda rin ang panahon sa Visayas at Mindanao.

Kahapon, bumagsak sa 20 degrees celcius ang temperatura sa Metro Manila habang nasa 12.4 degrees celcius sa Baguio City.

Facebook Comments