Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Easterlies o mainit na hangin galing dagat pasipiko pa rin ang patuloy na umiiral sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Dahil sa easterlies ay asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon sa Luzon at Visayas habang sa Mindanao ay may mga dumaraan na thunderstorm clouds.

Walang binabantayan ang PAGASA na weather disturbances na maaaring mabuo o pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend o hanggang matapos ang Abril.


Sa Bicol Region at Metro Manila ay mainit at maalinsangang panahon din ang mararanasan na may localized thunderstorms sa hapon o gabi.

Sunrise: 5:36 AM

Sunset: 6:11PM

Facebook Comments