Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Bukas, inaasahang papasok ito sa PAR pero hindi nakikita ng PAGASA na magiging bagyo ito sa susunod na 72 oras.
Hindi rin ito makakaapekto sa anumang bahagi ng bansa.
Sa ngayon, frontal system pa rin ang nagdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Aurora.
Asahan naman ang pag-iral ng localized thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay mula 27 hanggang 34 degree Celsius.
Facebook Comments