Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Asahan na ang mas magandang panahon ngayong araw sa Metro Manila at ilan bahagi ng Luzon.

Nalusaw na kasi ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Tanging ang frontal system ang nakakaapekto sa bansa na magdadala ng pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region.


Inaasahang papasok na rin sa PAR ngayong araw ang isa pang LPA na nasa layong 990 kilometers silangan ng Mindanao.

Mababa ang tiyansa ng LPA na maging bagyo at posibleng malusaw na habang papalapit ng kalupaan.

Samantala, naitala kahapon ang pinakamataas na heat index sa taong ito.

Sa datos ng DOST-PAGASA, pumalo sa 52.2°C na heat index sa Virac, Catanduanes, nalagpasan na nito ang 51.7°C na heat index sa Dagupan City, Pangasinan na naitala noong April 14.

Sunrise: 5:30AM

Sunset: 6:14PM

Facebook Comments