Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Walang inaasahang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend.

Tanging ang frontal system ang nakakaapekto sa bansa partikular sa eastern section ng Luzon at Visayas.

Bunsod nito, asahang ngayong araw ang mga kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas at probinsya ng Aurora at Quezon.


Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.

Sunrise – 5:27 A.M.

Sunset – 6:19 P.M.

Facebook Comments