Dalawang weather system ang nakakaapekto ngayong araw sa bansa.
Ang una ay ang intertropical convergence zone (ITCZ) ng nakakaapekto sa Palawan at Mindanao.
Bunsod nito, asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang thunderstorms sa Davao Region, Soccsksargen, Bangsamoro, Zamboanga Peninsula at Palawan.
Habang apektado naman ng easterlies ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Visayas, nalalabing bahagi ng Mimaropa at Mindanao.
Sa mga nasabing lugar, asahan ang maalinsangan panahon sa umaga hanggang tanghali at may mga kalat – kalat na pag-ulan sa dakong hapon o gabi.
Sunrise –5:26 A.M.
Sunset – 6:24 P.M.
Facebook Comments