Serial killer na nurse na pumatay ng 85 na pasyente sa Germany, hinatulan na!

Habambuhay na pagkakakulong ang hinatol ng district court sa Oldenburg sa German serial killer na nurse dahil sa pagpatay sa 85 na pasyente habang nasa pangangalaga nito.

Ang 42-anyos ay itinuturing bilang Germany’s deadliest post-war serial killer.

Una nang umamin ang suspek sa pagbibigay ng non-prescribed drugs sa kanyang mga pasyente para maipakita ang kanyang resuscitation skills sa mga ka-trabaho at labanan ang pagkabagot.


Sa pag-amin ng suspek, umabot sa 100 na pasyente ang kaniyang napatay na may edad 34 hanggan 96 sa dalawang ospital mula 2000 hanggang 2005.

Facebook Comments