Nakakaapekto sa Mindanao ang intertropical convergence zone (ITCZ).
Kaya asahan ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay maulap ang kalangitan na may posibilidad ng pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nagbabala naman ang DOST-PAGASA ng posibleng flash floods at land slides sa mga makakaranas ng severe thunderstorms.
Inaasahang aabot sa 35.6°C ang pinakamainit na temperaturang mararanasan ngayong araw.
Facebook Comments