Walang bagyo at tanging intertropical convergence zone (ITCZ) lang ang nakakaapekto sa bansa ngayong araw.
Partikular na apektado nito ang buong Mindanao kaya asahan na ang mga isolated rainshowers at thunderstorms sa mga nasabing lugar.
Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa pero asahan ang mga isolated rainshowers dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Samantala, ngayong pumasok na ang panahon ng tag-ulan, sinabi ng PAGASA na posibleng makaranas ang bansa ng mga bagyo na malalakas tulad ng bagyong Ondoy noong 2009.
Ito ay dahil sa epekto ng El Niño phenomenon na patuloy na umiiral sa bansa.
Sunrise – 5:27AM
Sunset – 6:27PM
Facebook Comments