Lagay ng panahon ngayong araw ng Undas, alamin!

Isang Low Pressure Area (LPA) ang magpapaulan sa ngayong Undas lalo na sa malaking bahagi ng bansa.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 240 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Magdadala ang LPA ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, Bicol Region, buong Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.


Kaya naman sa mga pupunta sa mga sementeryo ngayong araw, magdala po ng mga pananggalang sa ulan.

Samantala, nakakaapekto naman ang northeast monsoon o amihan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Babuyan Islands.

Easterlies ang iiral sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at natitirang bahagi ng Cagayan Valley na magdadala ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan.

Facebook Comments