Lagay ng panahon ngayong umaga, alamin!

Uminom na ng taho at samahan pa ng itlog at tuyo ang almusal ngayong umaga.

Sumakay sa Hot Air Balloon sa Pampanga dahil maganda ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon maliban sa Cagayan Valley, Cordillera, at Bicol Region na may pag-ulan dahil sa hanging amihan.

Makipista sa Lenten Festival of Herbal Preparation sa Siquijor habang nakakaapekto rin ang amihan sa Eastern Visayas.


Maligo sa Tagbibinta Falls sa Compostela Valley habang maaliwalas ang panahon sa Mindanao.

Facebook Comments