Lagonoy, CamSur// Angkas na Teacher, Patay ng Sumalpok sa Gmelina Tree ang Sinasakyang Motorsiklo

22

Isang Teacher na backrider sa motorsiklo ang binawian ng buhay samantalang malubha naman ang kalagayan ng driver nang sumalpok sa puno ng gmelina ang motorsiklong sinasakyan nila.
Naganap ang insidente bandang alas 10 ng umaga kamakalawa, February 9, 2020.
Ayon sa report, pauwi na ang dalawa lulan ng motorsiklong Suzuki Raider 150 na minamaneho ni Glendis Corono y Alba, edad 19, single at residente ng Barangay Agpo, bayan ng Lagonoy sa Camarines Sur, kasama ang angkas nitong si Arnold Saboco y Debil, edad 29, at residente ng Barangay San Rafael ng kaparehong bayan.
Mabilis ang pagharurot ng motorsiklo ng nawalan umano ng kontrol sa manibela si Glendis at malakas na naisalpok nito sa puno ng Gmelina sa tabi ng kalsada ang minamanehong sasakyan.
Kaagad naman silang sinaklolohan at dinala sa Partido District Hospital sa kabilang bayan ng San Jose, para malapatan ng lunas. Subalit sa kasamaang-palad, sa lakas ng pagkabangga, napuruhan ang backrider – teacher na si Arnold at binawian ng buhay. Dineklara siyang Dead-On-Arrival ng attending physician na si Dr. Jamilyn Relloso. Malubha rin ang kalagayan ng driver na si Glendis pero ligtas na siya at nilalapatan ng lunas.
details from Lagonoy MPS as reported by RM Manny Basa
photos for repre purpose only, not the real items

Facebook Comments