Isinusulong ni Makati Representative Luis Campos na i-tap na ang Laguna Lake para matiyak ang long-term water security sa Metro Manila.
Tinukoy ni Campos na kailangan na ng ibang water sources sa Metro Manila bunsod na rin ng mabilis na pagtaas ng pagkunsumo at paulit-ulit na dry spell dahil na rin sa paglala ng climate change.
Giit ng kongresista, dapat na umanong samantalahin na gamitin ang tubig sa Laguna Lake lalo pa’t may mga makabagong teknolohiya na available na maaaring magamit para malinis ang tubig na darating sa mga households.
Ayon kay Campos, ang 2.2 billion cubic meters na deposito ng tubig sa 90,000 ektaryang lawa ay magkakahalong tubig mula sa mga ilog, sapa, ulan, baha at sewage.
Ang paggamit sa tubig ng Laguna Lake ay makakatulong para mabawasan ang pagbaha na naging patuloy na problema sa mga kalapit na lugar.
Sa maraming taon, ang dalawang water concessionaires ay nakadepende sa tubig ng Angat Dam na nagsusuplay sa 96% ng water demand sa Metro Manila.