Laguna, nakapagtala na ng dalawang kaso ng Delta variant

70

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) – Calabarzon na mayroon nang naitalang kaso ng Delta variant sa rehiyon.

Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, dalawang kaso ito na mula sa Calamba City, Laguna.


Aniya, mahigpit nilang tinututukan ang naitalang unang kaso ng Delta variant sa rehiyon.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) sa Central Office para sa dagdag na impormasyon ng nasabing mga kaso.

Aminado naman si Janairo na hindi malayong nagkaroon na ng community transmission at limitado pa lamang ang kanilang kakayahan para malaman agad ang mga bagong variant ng COVID-19.

Facebook Comments