Swab test sa Pinoy crew ng MT Clyde na nakaangkla sa karagatang bahagi ng Albay, naudlot

77

Naudlot ang schedule ng RT-PCR test ng mga crew member ng MT Clyde na nakaangkla sa karagatang bahagi ng Albay.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), itatakda na lamang ng health officials ang pagsusuri sa mga tripulante sa susunod na mga araw.


Matatandaan na sakay ng MT Clyde na galing Indonesia ang 19 na tripulante kung saan 11 ang positibo sa COVID-19.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang mandatory quarantine ng mga tripulante sa MT Clyde.

Bantay-sarado rin ng PCG at mga katuwang na ahensya ang sitwasyon dito upang masiguro na walang makakababa ng hindi dumadaan sa wastong protocol.

Facebook Comments