Laguna Province, Wagi sa Pagsungkit ng Gintong Medalya sa Batang Pinoy!

Ilagan City, Isabela- Nagwagi ang Laguna Province sa pagsungkit ng gintong medalya sa ginanap na luzon qualifying leg ng batang pinoy sa syudad ng Ilagan.

Sa pinal na resulta ng ipinalabas na medal tally ay nakuha ng team Laguna ang 38 gold medals, 35 Silver at 36 Bronze sa iba’t ibang mga palaro at ito ang may pinakamadaming gintong medalya sa lahat ng mga kalahok.

Pangalawa naman ang Baguio City sa may pinakamaraming gold medal kung saan ay nakasungkit ng 36 Gold, 47 Silver at 60 Bronze at dalawa gintong medalya lamang ang lamang ng team Laguna.


Nakapasok pa sa top 3 ang team Quezon City na may 24 Gold, 19 Silver at 11 Bronze.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng pamahalaang lokal ng Ilagan City sa matagumpay at mapayapang na pagtatapos ng batang pinoy sa lungsod.

Isa naman itong karangalan sa lungsod ng Ilagan dahil sa pagtitiwala ng mga delegado na dito ginanap ang naturang palaro.

Facebook Comments