Lolo sa Cabatuan, Isabela, Arestado!

Cabatuan, Isabela – Dinakip ang isang lolo na wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Lapaz, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Eleseo Lopez Orodio, 76 anyos, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Cabatuan si Orodio sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Ma Anastacia D. Manalag-Labog, Presiding Judge ng 9th Municipal Circuit Trial Court, Second Judicial Region, Cabatuan-Luna, Isabela dahil sa kasong Grave Coercion.


Pansamantalang makakalaya si Orodio kung makakapaglagak ng piyansang P36,000.00.

Dinala na sa Cabatuan Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Brgy. Lapaz, Cabatuan, Isabela, Eleseo Lopez Orodio, Ma Anastacia D. Manalag-Labog, Presiding Judge, 9th Municipal Circuit Trial Court, Second Judicial Region, Cabatuan-Luna, Isabela , Cabatuan Police Station



Facebook Comments