Laguna Representative Ruth Hernandez, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Laguna Representative Ruth Hernandez.

Sa Facebook page ng mambabatas inanunsiyo ang balita, ilang araw matapos unang magpositibo sa virus si Laguna Governor Ramil Hernandez.

Tiniyak naman ng mambabatas na dadalo pa rin siya sa mga congressional hearing online.


Habang mananatili rin itong susunod sa mga ipinapatupad na health protocols upang maiwasang makahawa sa iba.

Facebook Comments