Lagundi at VCO, maituturing na adjunct therapy sa covid-19 symptoms – eksperto

122

Nanindigan ang Department of Science and Technology (DOST) na adjunct therapy o pantulong sa sintomas ng COVID-19 ang lagundi at Virgin Coconut Oil (VCO).

Ayon sa ilang eksperto, malaki rin ang ang tulong ng mga ito sa pagpapabuti sa bisa COVID-19 vaccines.


Ayon kay DOST-Food and Nutrition Research Institute Dr. Imelda Agdeppa, nawala ang sintomas ng mild COVID patients nang ihalo ng VCO sa kanilang pagkain sa loob ng 18 araw.

Habang ibinahagi naman ni UP Manila National Institute of Health Director Dr.Cecilia C. Marambe Lazarte, aabot sa walong araw ang average clinical recovery days ng pasyenteng nabigyan ng lagundi.

Binigyang diin din ng mga eksperto na ang mga kalahok sa isinagawang clinical trial ay hindi naging severe atr critical cases.

Facebook Comments