Regular na quality assurance test sa mga COVID-19 testing laboratory sa bansa, tiniyak ng DOH

51

Regular na nagsasagawa ng quality assurance ‘check ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Coronavirus disease (COVID-19) testing laboratory sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mismong ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang gumagawa nito.


Aniya, kahit minsan ay hindi pa nila nakakaligtaan na magsagawa ng quality assurance.

Layon nitong tiyakin na tama ang inilalabas na datos ng bawat laboratory.

Facebook Comments