Lagundi, isasalang sa clinical trial bilang posbileng lunas laban sa COVID-19 ayon sa DOST

Kinumpirma ng Department of Science and Technology (DOST) na nakatakdang simulan ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) ang clinical trials sa lagundi bilang gamot sa COVID-19.

Ito ay matapos aprubahan ng UP-PGH Ethics Committee ang clearance para sa pagsasagawa ng test.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang UP-PGH research and development team na siyang magsasagawa ng clinical trials ay naghihintay na lamang ng clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) bago sila makapagsimula.


Inaprubahan na ng DOST ang pagpopondo sa nasabing clinical trials sa lagundi na aabot sa ₱4.9 million.

Maliban sa lagundi, ang melatonin, convalescent plasma at Virgin Coconut Oil (VCO) ay isasalang sa clinical trials.

Popondohan din ng DOST ang clinical trials ng tawa-tawa bilang potensyal na lunas para sa COVID-19.

Facebook Comments